Ang mga lider ng South Korea, China at Taiwan ay binati si Kishida Fumio sa pagka-panalo bilang bagong Punong Ministro.
Ipinahayag ng South Korea presidential office nuong Lunes na si Pangulong Moon Jae-in ay nagpadala ng sulat kay Kishida, na nanawagan sa kooperasyon sa pag-papabuti ng bilateral relations sa mga future-oriented manner.
Isang spokeperson pa ang nag-sabi na nais umano ng Pangulo na ang dalawang bansa ay magkaroon ng malinaw at bukas na komyunikasyon upang maipakita sa ibang mga bansa kung ano ang maaaring maibahagi ng bawat nasyon pagdating sa demokrasya at kalakalan.
Nag-paabot naman ng pag-bati si Chinese President Xi Jinping sa pamamagitan ng telegrama kay Kishida nuong Lunes.
Nag-sabi si Xi na payag siyang mag-develop ng friendly ties sa pagitan ng dalawang bansa, at nag-sabi na ang nasabing relasyon ay makakabuti sa parehong bansa at maaaring mag-contribute sa regional at global peace, stability at prosperity.
Samantalang si Taiwan President Tsai Ing-wen ay nag tweet ng Japanese na nag-papa abot ng kanyang taos pusong pag-bati kay Kishida at mga bagong gabinete. Sinabi rin nito na sana mas umusbong ang pagiging magkaibigan ng Taiwan at Japan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation