Isang Japanese na ginang ang gumawa ng dose-dosenang handmade dolls mula sa pinatuyong mansanas.
Mahigit 90 pirasong manika na ginawa ni Watanabe Hiromi ang naka-display sa library ng Shintotsukawa Town sa Hokkaido, northern Japan.
Ang mga mansanas na may iba’t-ibang sukat ang binalatan at pinatuyo upang gawing manika. Ito ay sinuutan ng damit gawa sa mga lumang tela.
Gumawa ng mga senario si Watanabe mula sa pamumuhay ng mga mag-sasaka matapos ang Ikalawang Digmaan, kung saan ang mga manika ay ipinakita bilang mga matatandang namamahinga pagka-tapos ng isang buong araw na pag-aararo at ilang mga kababaihan na nag-hahabi.
Isang bisita ang nag-sabi na siya ay nagulat nang malaman na ang mga manika ay gawa mula sa mansanas.
Hangad ni Watanabe na maipakita ng kanyang mga obrang manika sa mga bisita kung paano at gaano kasimple ang pamumuhay nuon.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation