TOKYO- Ang Don Quijote ay ang isa sa pinaka-malaking discount store sa Japan, na mayroong 160 lokasyon sa buong bansa. Ito ay mas kilala bilang “Donki”, ang Don Quijote ay kilala hindi lamang sa napakaraming discount goods na mayroon ito tulad ng (pagkain, cosmetics, damit, adult goods, furniture) at kung ano pa ang maiisip ninyo, na siya naman talagan napak gandang tindahan o souvenir stop store para sa mga dayuhang bisita. Ang distinct layout ng mga multi-floor emporiums ay parang may roong parang themed-parks atmosphere, may maririnig na masayang tugtog na siyang umaakit sa mga mamimili kasali na rin ang kumukutikutitap na ilaw.
So habang ang ilang mga kostumer ay mabibigla sa nga ilang nilalaman makikita sa Don Quijote, isang Japanese Twitter user na si Chanmana (@manachawakannai) ay kamakailan na naka-kita ng isang sign posted sa Don Quijote na may very specific na request sa mga pumupuntang mamimili sa tindahan na siyang nag-dulot ng pagka-lito at pag-tawa sa Twitter.
Nito lamang, nag-share si Chanmana ng isang piktyur ng sign sa Twitter na may naka-sulat, “Ang aming lokal na Don Quijote ay napaka-ganda”, at ito ay humihingi ng ilang mga kataungan at paki-usap: “Ang request ay para sa lahat ng kostumer: Mangyari lamang na pigilan o iwasan ang kumain o iminom pati na rin ang pag-hihiwalay ng mga magkaka-sintahan.”
Ang unang kalahati ng mensahe ay maaaring maintindihan dahil sa standar policy ng mga tindahan nito, ngunit ang ikalawang bahagi ng mensahe na ipinag-babawal ang pag-aaway ng magkasintahan, na siyang may partikular na Don Quijote sa Osaka. Ang isang kaso ng pag-hihiwalay o pag-aaway ng magka-sintahan ay hindi naman siguro aabot sa pag popost pa ng ganitong poster sa social media, maaarin palagi na lamang duon nangyayari ang insidente sa mga paulit-ulit na offender o nang isang masyadong madramang pag-aaway, ito ang ibang speculate ng mga follower sa Twitter.
“Siguro inawat ng mga staff na pati rin sila ay nadamay na sa gulo…”
“Ang tagal ko nang hindi naka-tawa ng ganito. Ano ba talaga nangyari dito?”
“Iniisip ko lamang, ang mga daanan sa mga aisle ng tindahan ay masikip, so talagang nakaka-asar.”
So, sa kabila ng pag-babawal ng pagkain hanggang sa maka-labas ng tindahan, kung ma-pupunta ka sa Don Quijote na may kasama na nais makipag-break sa iyo, siguro pigilan ninyo muna hanggang sa kayo ay makatapos makapamili at makalabas ng gusali.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation