West Japan school nag-sara pansamantala matapos pumasok ang teacher kahit alam niyang may COVID siya

Isang paaralang elementarya sa lungsod ng kanlurang Japan ang pansamantalang nagsara matapos na ang isang guro ay pumasok kahit alam niyang positive siya sa Covid, inihayag ng education minister ng munisipyo noong Setyembre 1. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspWest Japan school nag-sara pansamantala matapos pumasok ang teacher kahit alam niyang may COVID siya

AMAGASAKI, Hyogo – Isang paaralang elementarya sa lungsod ng kanlurang Japan ang pansamantalang nagsara matapos na ang isang guro ay pumasok kahit alam niyang positive siya sa Covid, inihayag ng education minister ng munisipyo noong Setyembre 1.

Ayon sa Amagasaki Municipal Board of Education, ang guro ay nilagnat ng 38.8 degrees Celsius noong Agosto 25, at nagkaroon ng positibong antigen test sa isang institusyong medikal.

Hindi siya nagtrabaho sa mga sumunod na araw, at hindi niya inireport sa school na siya ay nag positive,  binanggit niya lang na hindi maganda ang pakiramdam niya at iba pang mga kadahilanan, ngunit bumalik siya sa trabaho noong umaga ng Agosto 30, nang dumalo sila sa seremonya ng pagbubukas para sa bagong trimester at nagturo sa klase.

Nabuking lamang siya matapos makipag-ugnayan ang health center sa eskwelahan nang gabing iyon dahil hindi nila ma-contact ang guro. Inabisuhan ng paaralan ang mga magulang at tagapag-alaga ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng email sa parehong gabi. Ipinaliwanag umano ng guro na nagpasya siyang bumalik  sa trabaho dahil bumuti naman daw ang kanyang pakiramdam.

Pansamantalang isasara ng lupon ng edukasyon ang paaralan hanggang Setyembre 3.

Magbibigay ang lupon ng edukasyon ng pag-iingat sa mga pagsusuri sa PCR sa 38 katao kabilang ang mga mag-aaral ng klase at iba pang mga guro na nakipag-ugnayan sa kanya.

Pinangako naman ng eskwelahan na bibigyan ng nararapat na parusa ang guro.

(Japanese original ni Kiyomasa Nakamura, Hanshin Bureau)

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund