Isang unggoy ang nahuli sa Haneda Airport sa Tokyo. Ito ay pinaniniwalaang wild.
Nakita ng isang manggagawa ng airport ang unggoy sa isang aircraft hangar bandang ala-7:00 ng umaga nuong Miyerkules.
Ang unggoy ay lumipat sa malapit na gusali na pagmamay-ari ng Japan Airlines. Ito ay pumasok sa isang silid na ginagamit upang ayusin ang mga aircraft parts.
Ang unggoy ay nahuli ng mga pulis pagkalipas ng limang oras. Wala namang nasugatan sa nasabing insidente.
Ang mga aircraft components sa nasabing silid ay hindi naman napinsala. Ngunit may mga kable ng mga kagamitan na ginagamit sa pagkukumpuni ay kinagat.
Ang manggagawa na tumawag sa mga awtoridad ay nagpa-kita ng pagka-gulat na ang unggoy ay napadpad sa paliparan sa Tokyo.
Hindi malinaw kung ang nahuling unggoy ay ang unggoy na nakita paikot ikot sa ilang lugar sa Tokyo nuong nakaraang buwan.
Ang kapalaran ng unggoy ay pagpapasyahan ng mga opisyales ng Ota Ward. Kung saan naroon ang paliparan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation