Ang pinakamalaking travel agency ng Japan, ang JTB Corporation, ay ibinenta ang kanilang headquarter office dahil naghihirapan na itong bumangon mula sa pandemic.
Ipinagbigay-alam sa mga sources na ipinagbili ng kumpanya ang gusali ng punong tanggapan nito sa Shinagawa Ward ng Tokyo at isa pa sa Osaka City, kanlurang Japan, noong Martes.
Ang mga bumili ng mga gusali ay hindi pa maisisiwalat. Ang presyo ng benta ay inaasahan na nasa daang milyong dolyar.
Ang JTB ay nag-ulat ng isang record net loss na humigit-kumulang na 955 milyong dolyar para sa taon ng 2020 na nagtapos noong Marso 2021.
Ang pagbebenta ng mga gusali ay bahagi ng pagsisikap ng kumpanya na mapagbuti ang kalagayan sa pananalapi habang pinapabilis nito ang muling pagbubuo ng negosyo nito. Nagbabawas na din ngayon ang kumpanya ng bilang ng mga outlet at staff nila.
Inaasahan din ng JTB na gamitin ang mga pondong nakuha sa pamamagitan ng pagbebenta upang mamuhunan para sa paglago ng post-pandemic nilang business.
Sinabi ng kumpanya na plano nilang manatili sa gusali ng headquarters pagkatapos ng pagbebenta sa pamamagitan ng pag-sign ng isang kontrata sa pag-upa o lease sa bumili ng gusali.
Join the Conversation