Ang Tokyo Metropolitan Government ay papayagan ang ilang kainan sa metropolis na mag-silbi ng serbesa mula Oktubre, at papayagang mag-operate hanggang alas-9:00 ng gabi.
Ang hakbang ang kaakibat sa pag-takda ng central government na pag-tatapos ng coronavirus state of emergency ngayong Huwebes, sa lahat ng 19 prepektura na sumasa-ilalim nito kabilang na ang Tokyo.
Plano ng mga opisyales ng Tokyo na pagaanin ang mga restrikyon nang dahan-dahan. Sinabi nila na ang mga establisyamento maaari lamang mag-silbi ng serbesa ay ang mga certified lamang at mayroong full anti-infection measure, ito ay mag-sisimula na sa Biyernes.
Sila ay papayagang mag-operate hanggang alas-9:00 ng gabi at maaari lamang tumanggap ng hanggang 4 na katao kung ang mga ito ay darating bilang isang grupo.
Pinag-uuapan pa ng mga Tokyo officials kung nararapat bang bigyang limit sa oras ang pag-sisilbi ng alak.
Para naman sa mga uncertified establishments, ipag-uutos ng mga opisyal na huwag silang pag-benta ng alak at kinakailangan na sila ay mag-sara pag-sapit ang alas-8:00 ng gabi.
Ayon sa mga opisyales, ang hakbang ay dapat na maipa-tupad sa loob ng tatlong linggo. Plano ng metropolitan government na mag-bigay ng mahigit 1,800 dolyares kada araw, depende sa laki at iba pang kundisyon sa mga establisyementong nais sumunod sa kanilang kahilingan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation