Tatlong Vietnamese, arestado matapos gumamit ng pekeng pera

Ang ilang mga bills ay sinuri at napag-alaman na talagang peke.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspTatlong Vietnamese, arestado matapos gumamit ng pekeng pera

Inaresto ng mga pulis sa Tokyo ang tatlong Vietnamese sa suspisyong pag-gamit nang pekeng 10,000 yen. Ang perang papel ay malaki ang pagkaka-hawig sa lumang bersyon ng pera na siyang mayroong larawan ng isang ancient Prince Shotoku.

Ginamit umano ng mga suspek ang pekeng perang papel sa apat na convenience store sa Nakano Ward sa Tokyo nuong nakaraang buwan. Ang tatlong suspek ay nasa kanilang 20s at ang mga ito ay naninirahan sa Tokyo.

Nalikom ng mga pulis ang mahigit 130 na pekeng papel na pera mula sa tahanan at iba pang mga lugar. Kasalukuyqng iniimbestigahan kung papaano nakuha ang mga pekeng bills. Hindi sinabi ng mga awtoridad kung umamin sa mga kaso ang tatlong suspek na pinaratangan.

Mula August 21, nakatanggap ng ulat ang mga pulis mula sa convenience store at iba pang mga businesses sa Tokyo dahil sa mga natanggap na mga perang papel na mukhang peke. Mahigit 152 na mga parehong bills ang napag-alamang ginamit sa 130 na tindahan.

Ang ilang mga bills ay sinuri at napag-alaman na talagang peke.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund