Mag-bibigay ng mahigit 1,000 oxygen concentrators ang Taiwan sa Japan upang matulungan ang mga coronavirus patients sa gitna ng kakulangan ng medical devices sa buong bansa.
Ang oxygen concentrators ay ginagamit ng mga pasyenteng nagpapa-galing sa bahay at mga pasyenteng nag aantay upang madala sa ospital. Kasalukuyang humaharap sa kakulangan ng device ang Japan.
Plano ng Japan Health Ministry na ipamahagi ito sa mga medical institutions at iba pang mga pasilidad sa buong bansa sa pamamagitan ng mga lokal na pamahalaan.
Ang nasabing alok ng Taiwan ay mula sa plano ng Ministry na ma-secure ang mahigit 500 oxygen concentrators kada buwan mula sa mga makers at ipahihiram ito sa mga prepektura.
Magpapa-dala rin ang Taiwan sa Japan ng mahigit 10,000 pulse oximeter, na siyang sumusukat sa oxygen levels sa dugo.
Nuong nakaraan, ang Pamahalaan ng Japan ay nag-bigay sa Taiwan ng 3.4 doses ng AstraZeneca coronavirus vaccine.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation