TOKYO
Umiinit na ang laban habang ang mga myembro ng pamahalaang partido ng Japan ay bumoto noong Miyerkules para sa apat na kandidato na naghahangad na palitan si Yoshihide Suga bilang punong ministro.
Ang susunod na pinuno ay dapat na tugunan ang naghihingalong ekonomiya, isang bagong kapangyarihan na militar na nagpapatakbo sa isang mapanganib na kapitbahayan, mga mahahalagang ugnayan sa isang kaalyado ang Washington, at mahigpit na seguridad sa isang pinalakas na China at kaalyado nitong North Korea.
Para sa matagal nang namamahala na Liberal Democratic Party na madalas pumili ng mga pinuno nito sa backroom negosasyon, ang halalang ito ay nangangako na bukas at transparent sa lahat. Dahil sa pagkontrol ng partido sa parlyamento, ang pinuno nito ay magiging punong ministro.
Sinumang manalo, ang partido ay lubhang nangangailangan ng mga bagong ideya upang mabilis na lumingon sa pagbulusok ng suporta sa publiko nang maaga sa mga halalan sa mababang kapulungan na darating sa loob ng dalawang buwan, sinabi ng mga sources.
Sa mga kandidato, may dalawang kababaihan – conservative party na si Sanae Takaichi at mas liberal party na si Seiko Noda – ay nakikipagkumpitensya laban sa front runner na si Taro Kono, ang vaccine minister, at ang dating Foreign affairs minister na si Fumio Kishida.
Join the Conversation