Ipinahayag ni Japanese Prime Minister Suga Yoshihide na ang desisyon kung i-eextend ang coronavirus state of emergency sa itinalagang araw ng pag-tatapos nito sa katapusan ng buwan, ay gagawin sa mga susunod na araw.
Si Suga ay nakipag-panayam sa mga reporters habang ito ay bumibisita sa Estados Unidos.
Ang 19 prepektura, ang Tokyo at Osaka ay kabilang sa nababalutan ng state of emergency na siyang naka-takdang matapos sa darating na Huwebes.
Sinabi ni Suga na ang pamahalaan ay talagang pinag-trabahuhan ang malalang pag-laganap ng virus na dala ng Delta variant sa pamamagitan ng pag-secure ng medical capacity, pag-babakuna sa mga mamamayan at prevention ng infection.
Sinabi niya rin ang pag-buti ng sitwasyon ng mga kaso ng coronavirus, dahil sa pag-baba ng bilang ng mga bagong kaso ng impeksyon at kakaunting bilang ng mga pasyenteng nag-papagaling sa kanilang mga tahanan.
Sinabi ni Suga, mayroong criteria na naka-set para mapa-alis ang state of emergency, kabilang ng hospital occupancy rate, bilang ng mga pasyenteng nakararanas ng malubhang sintomas at ang status ng pag-babakuna.
Sinabi niya na nais muna niyang makita ang mga bagong datos at marinig ang mga komento ng mga eksperto, bago niya ito pag-desisyonan.
May suhestiyon rin si Suga ukol sa isang oral coronavirus drug na kasalukuyang dini-develop upang gamutin ang COVID-19 patients na maaaring praktikal nang magamit bago matapos ang taon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation