Na-extend ang Coronavirus State of Emergency sa iba’t-ibang parte ng Japan, kabilang ang Tokyo at Osaka, hanggang sa katapusan nitong buwan.
Ang extension ay ipinatupad ngayong Lunes, sa 19 Prefecture sa loob ng 47 na Prepektura ng bansa.
Ang Prepektura ng Miyagi at Okayama ay lumabas mula sa state of emergency at nasali sa ibang mga prepektura na nagpapa-tupad ng quasi-emergency measures na magpapa-tuloy rin hanggang ika-30 ng Septyembre.
Plano na pag-igihin ng pamahalaan ang medical system sa pamamagitan ng mga nabanggit na hakbang upang ma-secure ang ilan pang mga hospital bed para sa mga coronavirus patients. Nilalayon rin nito na makapag-set up ng mas maraming pasilidad kung saan maaaring nakapagpa-gamot ang mga COVID-19 patients, kabilang ang oxygen administration.
Papayuhan ng pamahalaan ang mga tao na iwasang bumyahe sa iba’t-ibang mga prepektura lalo na at may paparating na dalawang araw na holiday sa susunod na linggo.
Dumalo sa isang TV program sa NHK si Economic Revitalization Minister Nishimura Yasutoshi, ang naka-talaga sa coronavirus response.
Sinabi nito na ang arawang bilang ng mga bagong impeksyon ay bumababa, ngunit ang bilang ng mga pasyenteng nasa malubhang sitwasyon ay nananatili sa bilang na lagpas 2,000, na siyang nagpapa-hirap sa sitwasyon ng medical system sa bansa.
Idinagdag pa ni Nishimura na mahigit 50 porsyento ng populasyon ng Japan ang naka-tanggap na ng dalawang shot ng coronavirus vaccine.
Planong patuloy na itulak ng sentral na pamahalaan qng vaccine rollouts at iba pang anti infection measures bilang pakikipag-tulungan sa lokal na pamahalaan, upang mai-alis na nila ang coronavirus state of emergency ngayong katapusan ng buwan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation