Inaasahan na magpapa-kasal na si Princess Mako ng Japan sa kanyang college classmate at nobyo na si Komuro Kei bago matapos ang kasalukuyang taon.
Ayon sa isang source, ang magkasintahan ay inaasahang iparehistro ang kanilang kasal bago matapos ang taon. Ang hakbang ay umusad matapos i-prospect ni Komuro na mag-trabaho sa isang law firm sa New York, United States.
Sinabi rin ng source na walang mangyayaring seremonya o engagement ng kasal bilang parte ng isang imperial family. Sinabi nito na tinanggihan nito na makatanggap ng pera kahit na ito ay nararapat sa kanya dahil siya ay prinsesa.
Si Crown Prince Akishino, ama no Princess Mako ay nag-sabi nuong Nobyembre nuong nakaraang taon na bilang magulang dapat respetuhin nila ang kahilingan ng mga bata na magpa-kasal. Isinaad niya rin ang konstitusyon na ang pag-iisang dibdib ay ibabase lamang sa kasunduan ng dawalang nagkakaintindihang tao.
Si Komuro ay nag-bigay ng isang dokumento na nag-bibigay ng eksplanasyon ukol sa pinansiyal na problema ng kanyang pamilya nuong Abril, at nagpahayag na magbigay ng pera upang ito ay maisa-ayos.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation