TOKYO
Inaresto ng Tokyo police ang kanilang kabaro na isang 42-taong-gulang na sarhento ng pulisya sa pananakit sa isang restaurant worker.
Ayon sa pulisya, ang insidente ay naganap dakong 9:40 ng gabi noong Linggo sa labas ng isang gyudon restaurant (beef bowl) sa Koto Ward, iniulat ng Fuji TV. Sinabi ng pulisya na si Keita Setsukinai, na nagtatrabaho sa Nishiarai Police Station na Organized Crime Department, ay tinanggi ang mga paratang sa kanya at ayon dito “hindi niya maalala” ang insidente.
Sinabi ng pulisya na natapos ni Setsukinai ang kanyang trabaho ng ala-1 ng hapon noong Linggo at nagsimulang uminom ng alak sa kanyang bahay. Bandang 9:30 ng gabi, nagtungo siya sa restaurant na matatagpuan limang kilometro ang layo mula sa kanyang bahay. Matapos niyang kumain, sinipa niya ang ticket machine nang umalis siya. Isang lalaki na empleyado, na nasa 50’s ay hinabol siya, at sa oras na iyon ay sinunggaban siya ni Setsukinai, hinagis sa kalsada at sinipa sa kaliwang tiyan.
Sa oras na siya ay naaresto si Setsukinai na lasing at may blood alcohol na 0.88 mg bawat 100 ML.
© Japan Today
Join the Conversation