Isang zoo sa Nagano City, central Japan ay nagpa-plano na ipakita sa publiko sa unang pagkakataon ang kambal na red panda na ipinanganak nitong buwan.
Ang dalawang babaeng panda ay ipinanganak sa Nagano Chausuyama Zoo nuong July 1. Ang kanilang ina ay ang 3 years old na si “Milk.”
Ang bawat isa ay nag-titimbang ng 500 grams tatlong linggo matapos silang maipanganak.
Ayon sa Zoo officials ang mga timbang ng kambal ay doble o triple na sa kasalukuyan, at nakikita na rin ang distinctive stripes sa kanilang buntot.
Sila ang kauna-unahang red panda na ipinanganak sa Chausuyama sa loob ng anim na taon. Ang pag-silang ng dalawa ay nag bigay ng total na 16 ng red panda sa zoo.
Plano ng mga taga-zoo na mag-tanong sa publiko para sa ipapangalan sa kambal. Ang aplikasyon ay tatanggapin mula sa Oktubre.
Ang red panda keeper na si Inukai Hiroshi ay nag-sabi na siya ay talagang nasasayahan sa apg-silang ng kambal. Idinagdag rin niya na nais niyang makita ng publiko ang mga panda habang ito ay maliliit pa.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation