Ito ay update sa hinuling pinoy na nang holdap sa isang grocery store.
Noong ika-27 ng Setyembre, muling naaresto at pormal na kinasuhan ng Kyoto Prefectural Police Investigation Division 1 at Yawata Station ang isang Pilipino, walang tukoy na address at trabaho (24) = sa kasong robbery-murder on suspicion of robbery.
Nauna na siyang naaresto bandang 7:50 ng gabi noong Agosto 16 sa isang grocery store sa Yawata City, Kyoto Prefecture, kung saan tinutukan nya ng model toy gun ang lalaking manager (79) sa cash register at sinabing “kane, kane” upang maglabas ng pera sa register.
Nakuha niya ang lamang ng cash register na 30,000 yen. Nang mahuli ang suspect ay panay tanggi naman ito “wala akong kinalaman diyan,” aniya.
Ayon sa paliwanag ng prefectural police, ang lalaki ay nakilala mula sa mga image ng security camera sa paligid ng tindahan.
Join the Conversation