Nauna nang pinag-diwang ng isang Japapnese na 118 taong gulang na ginang ang Respect for the Aged Day sa Japan. Ang ginang ay kinilala bilang pinaka-matandang buhay sa buong mundo ng Guinness World Records.
Si Tanaka Kane ay ipinanganak nuong 1903. Siya ay naninirahan sa isang pasilidad para sa paalagaan ng mga matatanda sa Lungsod ng Fukuoka sa southwestern Japan.
Nuong Lunes, si Tanaka ay nakatanggap ng bulaklak at mensahe mula sa gobernador ng Fukuoka Prefecture na si Hattori Seitaro. Ito ay bago pa man ipagdiwang ang Respect for the Aged Day sa ika-20 ng Septyembre.
Sinabi ng mga staff sa pasilidad na hindi pa nakakapag-kita si Tanaka sa kanyang pamilya dahil sa pandemiya. Sinabi rin nila na nais ni Tanaka na manatiling malusog hanggang sa maka-abot sa edad na 120.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation