Share
TOKYO (Kyodo) – Isinasaalang-alang ng Japan ang pag issue ng vaccination passport para sa layuning pangkomersyo bilang bahagi ng pagsisikap na i-promote ang regular na aktibidad na panlipunan at pang-ekonomiya na matagal natigil dahil sa COVID-19 pandemic, ayon sa isang draft na plano ng gobyerno.
Ang mga nasabing certificate ay magbibigay-daan sa mga tindahan at operator ng negosyo upang magpasya kung anong uri ng mga serbisyo ang iaalok nila at kanino ikakaloob ang gayong mga serbisyo, sabi ng draft.
Ang plano, na ipapakita sa isang pagpupulong ng task force ng COVID-19 Huwebes, ay nagsasabi na ang mga mayroong vaccine passport ay maaaring makakuha ng mga discount at special service.
Join the Conversation