Pamahalaan, hinihikayat ang mga prepektura na mag-secure ng mga higaan sa mga ospital

Sa kasalukuyang ika-limang wave, maraming ospital ang hindi tumatanggap ng mga tao o pasyente dahil sa kakulangan ng mga nurses.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPamahalaan, hinihikayat ang mga prepektura na mag-secure ng mga higaan sa mga ospital

Plano ng Health Ministry ng Japan na mag-issue ng directive upang hikayatin ang mga prepektura na mag-secure pa ng mas maraming hospital beds para sa mga pasyente ng COVID-19 at magsa-gawa pa ng habang laban sa impeksyon.

Ang layunin ng nasabing direktiba ay para sa pag-hahanda ng susunod pang wave ng coronavirus infections.

Sa isang banda habang nararanasan ang ika-limang wave, mahigit 130,000 katao sa buong bansa ang nagse-self isolate sa kani-kanilang mga tahanan. Kulang ang supply ng hospital beds sa loob at labas ng Tokyo, pati na rin sa southern prefecture, Okinawa.

Naisip ng mga opisyal ng ministeryo na mahirap na agad-agarang makapag-secure ng mga hospital beds para sa mga pasyente ng coronavirus sa darating na panahon.

Ito ay dahil ang bilang ng mga kama ay tumaas na nang mahigit 4,800 sa bansa matapos hilingin ito ng pamahalaan nuong Marso.

Ayon sa mga opisyal, kakausapin nila ang mga prepektura na gumawa ng pansamantalang medical facility para sa mga taong nahawaan ng virus at hindi maka-pasok ko mai-admit sa mga ospital. Plano rin ng mga opisyal na manawagan para sa mga taong nagse-self isolate sa kani-kanilang tahanan na ma-monitor nang maigi, upang madaling maka-tuggon kung sakaling magkaroon ng biglaang pag-babago sa kanilang kondisyon.

Uudyokin rin ng mga opisyal ang mga prepektura upang mag-solicit ng tulong mula sa mga nurses na maaari lamang mag-trabaho nang ilang araw o limitadong oras, upang ang mga nasabing nurses ay maaaring maipadala sa mga medical institutions sa certain periods of time.

Sa kasalukuyang ika-limang wave, maraming ospital ang hindi tumatanggap ng mga tao o pasyente dahil sa kakulangan ng mga nurses.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund