Ang Philippine boxing superstar na si Manny Pacquiao ay nagpa-hayag na siya ay mag-reretiro na sa pag-boboxing. Sinabi niya na siya ay tatakbo sa pagka-pangulo ng bansa sa susunod na eleksyon.
Isinagawa ni Pacquiao ang anunsiyo sa pamamagitan ng pag post ng isang video sa kanyang social media nuong Miyerkules.
“Mahirap para sa akin na tanggapin na ang oras ko bilang isang manlalaro ng boxing ay tapos na. Ngayon, aking ipapahayag ang aking pag-reretiro.” ani nito.
Ang 42 anyos ay ipinanganak mula sa mahirap na pamilya sa south ng Pilipinas. Ngunit patuloy siya humawak ng world titles sa iba’t-ibang division bilang isang pro-boxer.
Si Pacquiao ay napasok rin sa politika. Sa kasalukuyan, siya ay isang Senador. Sinabi ni Pacquiao nuong nakaraang linggo na siya ay tatakbo bilang pangulo ng bansa sa susunod na taong eleksyon 2022.
Pinuna nito ang kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pag-abuso umano sa kapangyarihan at korapsyon. Nananawagan siya sa pagkaka-isa upang mabago ang reporma ng bansa.
Ang panganay na anak ng pangulo na si Davao City Mayor Sara Duterte ay kinikitang posibleng maging kandidato. Sumali na rin si Manila Mayor Francisco Domagoso sa nasabing karera. Ang huli ay mas kilala bilang si Isko Moreno.
Ipinahayag ni Pangulong Duterte na siya ay tatakbo bilang bise pangulo. Maaaring ang pakay nito ay ma-retain ang kanyang impluwensiya sa susunod na administrasyon. Ang pag-rerehistro ng mga kandidato para sa 2022 election ay mag-sisimula sa susunod na buwan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation