Inuudyok ng Foreign Ministry ng Japan ang mga mamamayan nuong Lunes na iwasan muna mag-punta sa mga religous facilities at mataong lugar sa anim na Southeast Asian nations, sanhi ng babala sa posibleng pag-atake.
Sinabi ng ministeryo na nakuha nila ang impormasyon na “maaaring lumaki ang risks tulad ng suicide bombings.”
Ang babala ay ipinag-bigqy alqm sa mga Japanese citizens sa Indonesia, Philippines, Singapore, Malaysia, Thailand at Myanmar.
Ang advisory ay nag-dulot ng pag-tataka sa ilang mga nasyon, wala daw silang ideya ukol sa pananakot o detalye na kung saan nakuha ng Japan ang nasabing impormasyon.
Ayon kay Tanee Sangrat, spokesman ng Thailand Foreign Ministry, hindi isinawalat ng Japan ang pinag-mukan ng babala at wala nang ibang sinabi ang Japanese Embassy kung hindi “hindi lamang ito para sa Thailand.”
Walang anuman nakalap na balitava o anumang impormasyon ang security agency ng Thailand ukol sa posibleng pananakot, ayon kay Deputy police spokesman Kissana Pathanacharoen.
Katulad rin ng Department of Foreign Affairs sa Pilipinas, wala rin nabalitaan sa nasabing pananakot, habang ang Indonesian Foreign Ministry spokesman na si Teuku Faizasyah ay pinabulaanan na may nangyaring pananakot at naibalita na sa mga Japanese citizens na naninirahan sa lugar.
Wala rin natanggap na anumang impormasyon ang Malaysian police o na-detect na security threats, ani ni national police chief na si Acryl Sani Abdullah Sani.
Sa maikling advisory, inuudyok ng Japan ang mga mamamayan na bigyan ng atensyon ang mga lokal na balita at mga bagong impormasyon at gamitin ito bilang pag-iingat sa “kasalukuyang panahon,” ngunit hindi ito nag-bigay ng specific timeframe o iba pang detalye.
Tumangging mag-bigay ng source of information ang Japan Foreign Ministry o mag-sabi na kungvito ay ibinahagi mula sa ibang bansa.
Nabanggit na ang advisory ay ipinadala sa mga embahada ng mga bansang may kaugnayan sa nasabing pananakot upang ipabahagi sa mga Japanese citizens.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation