TOKYO
Ini-ulat ng Tokyo metropolitan government nuong Sabado ang mahigit 2,362 na bagong kaso ng coronavirus, ito ay bumaba ng 177 mula nuong Biyernes at 1,219 mula nuong nakaraang Sabado. Ito ay ang ika-13 diretsong araw na ang pigura ay bumaba sa parehong araw mula nuong nakaraang linggo.
Ang average para sa Tokyo niyong nakaraang pitong araw ay tumatayo sa 2,724.7.
Ang mga taong nasa kanilang 20s (639 kaso), nasa 30s (472) at sa kanilang 40s (351) ang mga naitalang mataas na bilang ng kaso, habang 429 na kaso ay nag-eedad na 20 anyos pababa.
Ang bilang ng mga infected people na naospital dahil may malubhang sintomas sa Tokyo ay 267, mababa ng 11 mula nuong Biyernes, ayon sa health official. Ang pigura para sa buong bansa ay umabot na ng 2,223, tumaas ng 2 bilang mula ng Biyernes.
Sa buong bansa, ang bilang ng kasong naitala as of 6:30 pm, ay 16,012. Maliban sa Tokyo, ang mga prepektura na mayroong maraming kaso na naitala ay Osaka (2,363), Aichi (1,776), Kanagawa (1,633), Chiba (1,204), Saitama (1,075), Hyogo (755), Fukuoka (732), Okinawa (588), Kyoto (406), Shizuoka (301), Ibaraki (263), Hiroshima (245), Hokkaido (244), Gifu (188), Mie (161), Nara (142), Okayama (141), Shiga (138), Kumamoto (129), Tochigi (117), Gunma (105) at Miyagi (104).
Ang bilang ng mga coronavirus-related deaths na nai-tala sa buong bansa ay nasa 57.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation