Ipinagdiwang ng mga tao sa India ang tradisyunal na Hindu Festival upang magbigay pugay sa elephant-headed God na si Ganesha.
Ang India ay nagkaroon ng mahigit 400,000 na bagong kaso ng coronavirus kada araw. Ang arawang talaan ay bumaba na at ito ay naging 30,000 na lamang sa ilang mga araw. Marami nang tindahan ang muling nag-bukas at unti-unti nang bumabalik ang kanilang normal na pamumuhay.
Isang civic group sa capital New Delhi ay nag-diwang ng Ganesha Festival sa maliit na bilang kumpara sa normal na pagdiriwang nito. Ang normal na event ay dinadaluhan ng mahigit 10,000 katao, ngunit ngayong taon nilimitahan lamang nila sa 50 katao ang bilang nang maaaring dumalo. Ang pagdiriwang ay ginawang 4 na araw lamang kaysa sa nakasanayang 10 araw.
Ang mga dumalo ay nag-dasal sa harapan ng 3 metrong kataas na estatwa ni Ganesha, sila ay sumayaw rin sa mga tugtugin at inilubog ang estatwa sa isang pool at hindi sa ilog.
Isang ginang na dumalo ay nag-sabi na siya ay nasasayahan dahil siya ay naka-dalo, ipinalangin niya na sana ay matapos na ang dinaranas na pandemiya.
Mahigit 13 porsyento pa lamang sa populasyon ng India ang nabakunahan. Nag-bigay babala naman ang mga eksperto sa posibleng pag-laganap muli ng impeksyon dahil nag-sisimula nanamang mag-tumpukan o magsama-sama ang tao dahil sa mga paparating na festival season.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation