Karamihan sa mga pampublikong paaralan ng elementarya, junior high at high school sa Japan ay muling nagbukas para sa second semester noong Miyerkules na may sinasagawang mga hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.
Ang mga mag-aaral na nakasuot ng facemask ay nagtungo sa Higashi-Sakura elementary sa Aichi Prefecture, gitnang Japan, sunod-sunod at binati ang kanilang mga guro sa gate. Ang prefecture ay nasa ilalim ng state of emergency na idineklara ng gobyerno ng Japan.
Sinabi ng punong-guro na baka nag-alala ang mga bata dahil kumalat ang mga impeksyon sa coronavirus sa buong Japan. Hinimok niya silang magtulungan upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Ang mga mag-aaral ay pinaupo nang malayo kaysa sa dati sa kanilang mga silid-aralan na may mga bintana na binubuksan para sa ventilation ng silid.
Matapos ang seremonya, inabot nila ang kanilang mga likhang sining, kaligrapya at iba pang mga proyekto sa homework na ginawa nila noong summer sa kanilang mga guro.
Join the Conversation