Ang sales ng mga department store sa Japan ay patuloy pa rin na bumabagsak nitong mga nag-daang mga buwan, tumaas ng kaunti nuong buwan ng Hulyo, ngunit dahil sa muling pag-lagananp ng coronavirus siya ring pag-diretso ng state of emergency.
Ayon sa Japan Department Stores Association ang kita ng 191 outlets nationwide ay nalugi ng 11.7 porsyento nuong Agosto makalipas ang isang taon. Ito ay bumaba pa ng 32 percent kumpara sa parehong buwan nuong taong 2019, bago pa man lumaganap ang pandemiya.
Bumagsak ang kita sa lahat ng klase ng produkto, kabilang ang mga pagkain at damit. Sa gitna ng pag-kalat ng impeksyon, maraming restriksyon ang isinagawa lalo na sa mga pag-bebenta ng pagkain sa kainan upang maiwasan ang pag-dagsa ng tao.
Plano ng mga manager na paikutin ang sitwasyon at mag-focus sa pag-bebenta sa online at deliveries ng mga seasonal items at traditional New Year delicasies.
Ipinahayag ng opisyales ng asosasyon na mananatiling mahirap ang sitwasyong hanggang Septyembre, sanhi ng pag-papatuloy ng state of emergency. Inaasahan at hinahangad nila na magpa-tuloy ang pag-babakuna upang muling mai-restore ang normal na aktibidad ay pamumuhay ng mga tao.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation