Mga carrier ng Delta, may dala na hindi bababa ng 4 times ng virus

Nananawagan siya sa mga tao na mag-suot ng mask na gawa sa nonwoven fabric at masigurong napapqlitan ng hangin ang bawat sulok ng bahay.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMga carrier ng Delta, may dala na hindi bababa ng 4 times ng virus

Napag-alaman ng NHK na ang mga taong nahawaan ng Delta variant ng coronavirus ay ini-estimang nag-dadala ng minimum na apat na beses na mas maraming pathogens kumpara sa mga nahawaan ng ibang variants.

Inipon ng BML, isang Japanese laboratory testing service company ang mga datos. Ang kumpanya ay nagsasa-gawa ng mahigit 20,000 PCR coronavirus tests kada araw.

Bilang parte ng proseso sa pagsasa-gawa nang nasabing pag-susuri, ang virus genes na nasa sample ay dumudoble. Kung made-detected kaagad ang pathogen sa pag gamit ng kakaunting cycles ng amplification, ibig sabihin, ang sample ay mayroong mataas ng amount ng virus.

Ayon sa BML ang virus at nadiskubre matapos ang ilan sa mas mababa pa sa 20 cycles sa loob ng 38 porsyento mula sa mga samples na sinuri nuong Enero ngayong taon.

Tumaas ang porsyento ng 41.4 percent nuong Abril nang kasalukuyang kumakalat ang Alpha variant.

Nang naging dominant ang Delta variant nuong July, ang pigura ay tumaas ng halos 66 percent at nanatili hanggang 64 percent nuong Agosto.

Ang bilang ng cycles ay tinatawag na Ct Value. Kapag ito ay 40 pababa, ang test ay positive.

Base sa pinaka-pangkarqniwang Ct Value kada buwan, BML estimates na ang amount ng virus  mula sa samples ay kinuha mula sa Delta variant carriers ay apat hanggang 64 na beses ang dami kumpara sa orihinal na strain at Alpha variant.

Ayon sa BML official na si Yamaguchi Toshikazu, ang kumpanya ay nag-simulang tumingin ng sample na mqyroong kakaunting Ct Value na naglalaman ng malaking viral loads mula nuong July.

Sinabi pa nito na may marka ng pagkaka-iba sa mga amount ng virus mula sa Delta variant at dun sa mga variants na naglalaman ng ibang virus.

Sinabi ng Toho University Professor at member ng Japanese government coronavirus panel na si Tateda Kazuhiro na ang impeksyon ng Delta variant ay nag reresulta ng malaking viral load.

Sinabi nito na walang ebidensiya na ito ay nasasalin sa pamamagitan ng hangin, ngunit malaking amount ng virus ay pinaniniwalaang mayroong micro-droplets, na siyang lumalabas kapag nag-salita ang isang tao kahit na hindi gaano kalakas ang pananalita.

Nananawagan siya sa mga tao na mag-suot ng mask na gawa sa nonwoven fabric at masigurong napapqlitan ng hangin ang bawat sulok ng bahay.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund