Mayor ng Manila, sumali na rin sa pagkakandidato bilang kapalit ni Duterte

Nililimitahan ng Konstitusyon ng Pilipinas ang mga presidente sa isang anim na taong termino.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMayor ng Manila, sumali na rin sa pagkakandidato bilang kapalit ni Duterte

Si Manila Mayor Francis Domagoso ay sumali na sa karera upang kumandidato sa susunod na halalan ng pagka-pangulo ng bansa.

Ipinahayag ni Domagoso nuong Miyerkules na “Sa buong pagkumbaba, inaanunsiyo ko sa inyong lahat, aking mga kababayan, na tanggapin ninyo ang aking aplikasyon bilang kandidato sa pagiging pangulo ng bansang Pilipinas.”

Si Domagoso ay mas kilala sa kanyang stage name na Isko Moreno. Siya ay lumaki sa kahirapan bago naging aktor sa industriya ng showbiz, at kalaunan ay pumasok naman sa larangan ng pulitika.

Habang painit ng painit ang karera sa eleksyon sa susunod na Mayo, nag-pahayag rin ng kanyang pagiging kandidato sa pagka-pangulo ang boxing superstar at kasalukuyang senador ng Pilipinas na si Manny Pacquiao nitong nakaraang linggo.

Pinuna ni Pacquiao si President Rodrigo Duterte sa abuso sa kapangyarihan at corruption. Ayon sa mga analysts, siya ay humaharqp sa napaka-laking challenge upang himukin ang mga electorate na kaya niyang punan ang posisyon bilang mamumuno ng bansa.

Nuong nakaraang buwan, sinabi ni Duterte na siya ay tatakbo bilang bise presidente, dahil nais pa rin nitong mapanatili ang kanyang impluwensya sa susunod na administrasyon.

Nililimitahan ng Konstitusyon ng Pilipinas ang mga presidente sa isang anim na taong termino. Napag-alaman na mayroong isinusulong na senador si Duterte bilang kandidato sa pagka-pangulo.

Ang panganay na anak rin nito na si Davao City Mayor Sara Duterte ay kinukunsiderang posibleng presidential candidate. Ang pormal na pagpapa-rehistro bilang kandidato ay mag-sisimula sa susunod na buwan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund