Ang sikat na boksingero at kasalukuyang mambabatas sa Pilipinas na si Senator Manny Pacquiao ay nag-anunsiyo na siya ay tatakbo sa pagka-pangulo sa darating na 2022 halalan.
Nagpa-hayag si Pacquiao ng kanyang intensyon sa pag-takbo sa eleksyon na naka-takda sa Mayo sa isang assembly ng isang governing party faction nuong Linggo.
Ani nito, “isa akong fighter, at mananatili akong fighter sa loob at labas ng ring.” Nanawagan siya sa ukol sa pagkaka-isa upang mareporma ang bansa.
Pinuna ni Pacquiao ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-aabuso sa kapangyarihan at korapsyon. Binalaan niya ang mga pulitikong mga pianghihinalaan niyang responsable sa pangko-corrupt na ang mga ito ay mabibilanggo.
Nuong nakaraang buwan, inanunsyo ni Duterte ang kanyang bid sa pagka-bise presidente, upang mapanatili ang kanyang kapangyarihan sa susunod na administrasyon. Ang konstitusyon ng Pilipinas ay nililimitahan ang pagiging pangulo sa single term lamang.
Inirekumenda ni Duterte ang isang senator na malapit sa kanya bilang isang presidential candidate.
Ang kanyang panganay na si Davao City Mayor Sara Duterte, ay kinukunsidera na isa sa posibleng maging presidential candidate.
Mag-sisimulang ang registration ng mga kandidato sa susunod na buwan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation