Niyong Martes, ipinapa-kita sa datos ng pamahalaan ng Japan na aabot na sa 76 milyong katao o 60 porsyento ng populasyon sa bansa ang naka-tanggap na ng paunang dose ng bakuna ng coronavirus vaccine.
Kinakalkulang nasa 61.2 milyong katao o 48.3 porsyento na ang nakatanggap ng 2 dose ng bakuna.
At sa mga Senior Citizen naman, aabot na sa 32 milyong katao o 89.3 porsyento ang naka-tanggap ng kanilang unang dose ng bakuna.
Ang bilang ng mga tapos nang mabakunahang matatanda ay tumatayo sa bilang na 31.3 milyon o 87.4 porsyento.
Ang kabuoang bilang ng populasyon ay kabilang ang mga batang nag eedad sa minimum age na maaaring magpa-bakuna.
Ang aktuwal na bilang ng mga nabakunahan ay maaaring mas mataas kaysa sa nai-ulat.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation