Ayon sa survey na isinagawa ng NHK, napag-alaman nito na ang mga dayuhang residente ay mayroong mababang coronavirus vaccination rate kumpara sa pang-kalahatang papulasyon sa Tochigi Prefecture, north ng Tokyo.
Sinakop ng survey ang mga residente ng 25 lungsod at baranggay sa Tochigi na siyang naka-tanggap na ng kumpletong bakuna nang kalagitnaan ng Septyembre.
Ang lungsod ng Utsunomiya ay mayroong pinaka-maraming bilang ng mga residenteng eligible magpa-bakuna sa prepektura, na sinundan ng Oyama City at Ashikaga City.
Habang ang vaccination rate ng Utsunomiya na para sa lahat ng residente ay 42.4 porsyento, ang rate para sa mga non-Japanese ay 23.5 porsyento.
Sa Oyama, ang kabuoang rate ay 40.1 percent kumpara sa 14.7 percent para sa dayuhang residente ng lungsod.
Sa Ashikaga, ang rate para sa lahat ng residente ay 44.4 percent, habang ang mga non-Japanese ay nasa 11.4 percent.
Ang progress ng bakuna ay nag-iiba kada munisipalidad. Ang Ichikai Town ay mayroong highest rate na 51.2 percent ng mga foreign residents na naka-tanggap na ng kumpletong bakuna. Habang ang Mibu Town ay mayroong pinaka-mababa sa rate na 5.5 percent.
Ayon sa opisyales ng Prepektura ng Tochigi, ang ilang mga residente ay maaaring hindi maka-kuha ng appointments sa bakuna dahil hindi sila naka-iintindi masyado ng salitang hapon.
Sinabi ng opisyal na nais nilang makipag-tulungan sa mga munisipalidad upang maihatid ang impormasyon ng bakuna sa lahat.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation