Isang panel ng mga eksperto mula sa Education Ministry ng Japan ay mag-compile ng isang listahan ng proposals para mapaigi ang Japanese Language instruction para sa mga high school students na may foreign backgrounds. Tumataas kasi ang bilang ng populasyon ng mga mag-aaral na mayroon nito sa bansa Japan.
Isang educational ministry survey na isina-gawa nuong 2018 ay nagpapa-kita na mayroong 4,172 na public high school students ay kinakailangan ng Japanese Language instruction. Minarkahan ang pigura ng mahigit 2.7 na beses ang itinaas sa loob ng 10 taon.
Mahigit 10 porsyento sa mga mag-aaral na ito ay tumitigil sa pag-aaral sanhi ng language barrier. Ang bilang ay lugpas na sa 1 percent dropout rate sa lahat ng public high school sa Japan.
Sa isang meeting na isina-gawa nuong Miyerkules, nanawagan ang panel sa mga high school na gumawa ng organize special curriculum na katulad nang nasa elementary at junior high school.
Idiniin ng ministeryo na kailangan ang indibiwal na instruksyon ayon sa language proficiency ng isang mag-aaral. Ito rin ay sinabihan na ang mga classes na ganito ay dapat ipa-bilqng bilang isang credit.
Napa-bibilang ang ibang proposals ang pagkakaroon ng Japanese language instructors na makipag-tulungan sa mga non-profit organization na nage-specialize sa kaalaman at iba pang mga may kaugnayan na organisasyon. Ang panel ay nagsa-gawa nitong promosyon ng edukasyon upang malaman ng isang indibidwal ang kanilang nais na career at upang maka-tulong sa multicultural cohabitation.
Hini-himok rin ng panel ang pamahalaan upang gumawa ng framework at guidelines para sa Japanese language instruction.
Base sa proposal ng panel, nilalayon ng Education Ministry na ma-institute ang Japanese language instruction sa mga high school sa taong 2023.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation