Kasintahan ni Princess Mako, uuwi na sa Japan mula New York

Si Komura ay inaasahang makipag-kita kay Princess Mako sa unang pagkaka-taon sa loob ng tatlong taon, matapos nitong mag-quarantine sa loob ng 14 araw dahil sa coronavirus.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspKasintahan ni Princess Mako, uuwi na sa Japan mula New York

Si Komuro Kei, ang kasintahan ng Prinsesa ng Japan na si Princess Mako ay lumisan na sa Estados Unidos at kasalukuyang patuloy na pabalik sa Japan. Ito ay ang unang pagkakataon na ito ay maka-uuwi sa kanyang bansa sa loob ng tatlong taon.

Inaayos na ang pagpapa-kasal nito sa kay Princess Mako, ang panganay na anak na babae ni Crown Prince at Princess Akishino.

Dumating si Komuro sa John F. Kennedy International Airport sa New York nuong Linggo.

Siya ay may medyo mahabang buhok na naka-tali at naka-suot ng suit na walang kurbata, binati ang mga reporters at sumakay na sa isang direct flight pauwi ng Japan.

Ang flight ay naka-schedule na dumating sa Narita Airport na malapit sa Tokyo nagyong hapon ng Lunes, Japan time.

Ito ang unang pagkakataon na maka-bisita sa bansa si Komuro mula ng ito ay manirahan sa Estados Unidos nuong Agosto taong 2018. Siya ay nag-tungo roon upang mag-aral sa isang Law School at nagkamit ng lisensiya upang makapag-trabaho bilang abogado sa New York State.

Si Komura ay inaasahang makipag-kita kay Princess Mako sa unang pagkaka-taon sa loob ng tatlong taon, matapos nitong mag-quarantine sa loob ng 14 araw dahil sa coronavirus.

Maaaring mag isang dibdib ang magka-sintahan ngayong Oktubre. Inaasahan na mag-bigay ng pormal na anunsiyo ang Imperial Household Agency.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund