Japanese University, nagde-develope ng coronavirus vaccine na nasal spray

"10 bilyon yen ha, sabagay tayo ay gumastos ng mahigit rito para sa Olympics diba? Maaari rin sigurong gumastos ang pamahalaan para rito."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO

-habang ang bakuna ay dapat na irecommend, may ibang tao na ayaw o hindi gustong ma-turukan ng ineksyon. Para sa mga taong mayroong trypanophobia (takot sa karayom), ang pag-papabakuna ay maaaring maging isang traumatic experience. Sa katunayan, sa site kung saan ako nagpa-bakuna, ay may isang babae na kinakailangan pang isakay sa wheelchair bago pa man maka-kita ng karayom, sa sobrang takot niya siya ay nag-hyperventilate.

Ngunit ngayon, dahil sa research ng mga scientist na ginagawa ng Mie University, maaaring hindi na gamit ng mga karayom pag-dating sa pagbabakuna.

Inanunsiyo ni Professor Tetsuya Nozaka ng Mie University’s Graduate School of Infectious Disease Control na may bagong dini-develope na bakuna para sa coronavirus na maaaring ma-administer sa pamamagitan ng nasal spray, na siyang hindi na kakailanganin ng karayom.

“Ang bakuna ay maaaring i-spray sa dalawang nostrils, at ang tamang antibodies ay magpo-produce,” ayon sa Professor.

Ang spray vaccine na sinimulang idevelope mula pa nuong Marso 2020, ay maaaring ma-imbak sa loob ng anim na buwan at inaasahan ni Professor Nozaka na ang bakuna ay magamit bilang booster shot. Idinagdag niya rin na ang initial animal testing stages ay nag-resulta ng positibong reaksyon.

“Kami rin ay nagulat sa pagka-epetibo ng bakuna,” ani ng Professor at sinabi niya rin na ang pag-develope ng lagnat matapos itong iadminister ay mababa.

Parang hindi kapani-panilawala diba? Ang Professor ay humaharap sa isang matinding challenge upang maipa-tupad ang vaccine spray.

“Aabot ng 10 bilyon yen upang ma-commercialize ang bakunang ito,” inamin ng propesor sa isang panayam. “Ngunit kailangan natin pag-isipan kung papa-ano gagamitin ang nasabing budget. Kung posible, nais ko na makitang magamit ito hindi lamang sa Japan kundi sa buong mundo lalo na sa mga developing countries.” Sinabi rin ng propesor na sana magamit na ang spray caccine sa loob ng dalawang taon.

Nagkaroon ng positibong reaksyon ang mga mamamayan ng Japan sa anunsiyong ginawa ni Professor Nozaka, sa kabila ng mataas na presyong naka-akibat rito.

“10 bilyon yen ha, sabagay tayo ay gumastos ng mahigit rito para sa Olympics diba? Maaari rin sigurong gumastos ang pamahalaan para rito.”

“Kung ito ay totoo, sige gamitin ninyo ang aking buwis para dito.”

“Hindi ko sigurado kung ito ay magiging mabuti para sa buong mundo, ngunit kung ito ay magiging epektibo para sa mga tao at magagamit talaga, ito ay napaka-ganda. Sana maka-hanap sila ng paraan para ito ay mapondohan.”

“Kung ito ay gagana, ito ay napaka-ganda upang mapigilan ang pag-kalat ng impeksyon, dahil masyado nang mahaba ang pakiki-baka natin sa corona. Sigurado rin na talagang gagastos ang pamahalaan sa napaka-tagal na panahon bago pa ito ma-isalba ang bansa.”

Maraming umaasa na maging epektibo ang nasal spray gaya nang ipinangako ni Professor Nozaka. Asahan lamang natin na wala sanang mayroong phobia na mga tao sa pag-aadminister nito sa kanilang ilong.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund