Share
TOKYO (AP) – Pinatunayan ng Guinness World Records ang dalawang magkapatid na Japanese bilang pinakamatandang buhay na kambal na may edad na 107, sa isang anunsyo nitong Lunes kasabay ang Respect for the Aged Day, isang pambansang holiday sa Japan.
Si Umeno Sumiyama at Koume Kodama ay ipinanganak na pangatlo at ikaapat sa 11 na magkakapatid sa isla ng Shodoshima sa kanlurang Japan noong Nobyembre 5, 1913.
Pinaghiwalay sila pagkatapos ng elementarya, nang si Kodama ay ipinadala upang magtrabaho bilang isang katulong sa Oita sa southern main island ng Japan na Kyushu. Nang maglaon ay nag-asawa siya roon, habang si Sumiyama ay nanatili sa isla kung saan sila lumaki at nagkaroon ng sarili niyang pamilya.
Join the Conversation