TOKYO (Kyodo) – Makakatanggap ang Japan ng 150 milyong doses ng COVID-19 vaccine maker ng Estados Unidos na Novavax Inc. sa unang mga buwan ng 2022, sinabi ng ministeryo sa kalusugan nitong Martes.
Sinabi ng ministry na nilagdaan nila ang isang kasunduan sa Takeda Pharmaceutical Co. ng Japan, na hahawak sa paggawa at pamamahagi ng bakunang Novavax sa Japan. Kasalukuyang ginagawa ng Takeda at Novavax ang bakuna, na hangad na gamitin ito bilang isang booster at epektibo laban sa mga variant ng coronavirus.
Ang bakuna na kilala bilang TAK-019 sa Japan ay napatunayan na 90 porsyento na epektibo upang maiwasan ang mga impeksyon sa mga klinikal na pagsubok na ginanap sa ibang bansa, ayon sa Health, Labor and Welfare Ministry.
Hindi pa alam kung gaano katagal ang epekto ng bakuna sa COVID-19. SSinimulan na ng ibang mga bansa na suriin ang mga booster shot – ika-tatlo o kasunod na doses – upang mapahaba ang kaligtasan laban sa sakit.
Join the Conversation