Share
TOKYO (Kyodo) – Sinabi ng gobyerno ng Japan nitong Lunes na padadaliin ang mga quarantine rules para sa mga taong papasok sa bansa na fully vaccinated na laban sa COVID-19 simula Oktubre 1, pina-ikli ang kinakailangang panahon para sa pag-isolate ng sarili sa bahay mula 14 araw ay magiging 10 araw na lang.
Ang mga taong fully vaccinated ay makakalabas hangga’t negatibo sila sa virus pagkalipas ng 10 araw kasunod ng kanilang pagdating, sinabi ni Chief Cabinet Secretary Katsunobu Kato sa isang press conference.
Ang mga vaccine lamang na binuo ng Pfizer Inc., Moderna Inc. o AstraZeneca Plc ang karapat-dapat, at isang “vaccination passport” na recognized ng Japan ang kinakailangan.
Join the Conversation