Japan, pagaga-anin ang quarantine time para sa mga kumpleto bakunang mga byahero

Ang mga byahero mula sa siyam na bansa ay kinakailangan na manatili sa mga designated facilities sa loob ng anim na araw at kinakailangan na mag-self-isolate sa kanilang tahanan o iba pang mga lugar hanggang sa maka-lipas ang 14 na araw mag-mula nang sila ay dumating sa bansa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspJapan, pagaga-anin ang quarantine time para sa mga kumpleto bakunang mga byahero

Papagaanin ng pamahalaan ng Japan ang quaratine rules nito mula sa Oktubre para sa mga byahero na kumpleto bakuna na papasok sa bansa, maliban sa siyam na nasyon kung saan nakumpirma na mayroong Mu variant ng coronavirus.

Ayon sa kasalukuyang alituntunin, ang mga byahero mula sa mga bansa at teritoryong kung saan malala ang pag-kalat ng coronavirus ay kinakailangang manatili sa itinalagang pasilidad nang tatlong araw matapos dumating sa bansa.

Bago pa lisanin ang pasilidad, kinakailangan na sila ay mag-self-isolate sa kanilang tahanan o iba pang lokasyon sa Japan sa loob ng 14 araw mag-mula nang sila ay dumating sa Japan.

Papagaanin ng pamahalaan ang mga alituntunin simula sa October 1. Ang mga byahero na may ebidensiya ng kanilang pagbabakuna nang 14 araw bago pa man bumyahe patungong Japan ay mai-exempt mula sa tatlong araw na pag-tigil sa designated facilities.

Ang mga bakuna na kanilang natanggap ay kinakailangang aprubado ng mga awtoridad ng Japan.

Ang mga nabanggit na mga byahero ay kinakailangan pa ring manatili sa kani-kanilang mga tahanan o lokasyon. Ngunit maaari nilang tapusin ng maaga ang kanilang sel-isolation kapag nag-negatibo ang kanilang pag-susuri makalipas ang 10 araw nang dumating sa bansa.

Sa kabilang banda, ang mga byahero mula sa siyam na bansa ay kinakailangan na manatili sa mga designated facilities sa loob ng anim na araw at kinakailangan na mag-self-isolate sa kanilang tahanan o iba pang mga lugar hanggang sa maka-lipas ang 14 na araw mag-mula nang sila ay dumating sa bansa.

Ang mga sumusunod na bansa ay kabilang sa siyam na bansang may restriksyon; Argentina, Costa Rica, Columbia, Suriname, Trinidad and Tobago, the Philippines, Brazil, Venezuela at Peru.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund