Kinukunsidera ng pamahalaan ng Japan na bawasan ang self-quarantine period para sa mga nabakunahan nang mga byahero na papasok sa Japan mula sa ibang bansa.
Sa kasalukuyan, pinakiki-usapan ng pamahalaan ang lahat na dumating mula sa ibang bansa na manatiling isolated sa kanilang tahanan o accommodation facilities sa loob ng 14 araw.
Ngunit pinag-iisipan ng pamahalaan na bawasan ito at gawin na lamang 10 araw, at nag-sabi na kailangan na maibalik ang normal na phase ng social at economic activities habang patuloy na umuusong ang progreso sa pag-babakuna sa mundo.
Plano ng pamahalaan na bawasan ang period ng pag-aisolate para lamang sa mga byaherong fully vaccinated na ng Pfizer, Moderna o AstraZeneca vaccines. Kinakailangan rin nilang dalhin ang certification na inissue ng Japan, United States o ng European Union. Plano ng pamahalaan na simulan ang hakbang mula sa katapusan nitong buwan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation