Ang Japan ay nag-launch ng bagong ahensiya nuong Miyerkules upang i-upgrade at ayusin ang digital system ng bansa.
Ang ahensiya ay nasa central Tokyo at mayroong 600 staff members. Mahigit 200 katao ang sumali mula sa mga pribadong sektor.
Ang bagong authority ay mayroong wide-ranging powers kabilang ang karapatan na mag-advice sa ministeryo at iba pang ahensya. Ito ay mag-sasa ayos at mag-cocontrol sa mga information system ng pamahalaan. Ito ang magiging responsable sa pagkakalkula at mag-lalaan ng mga may kaugnayang budget.
Aasikasuhin rin ng ahensiya upang mai-standardize ang information system ng mga lokal na munisipalidad. Nilalayon nito ang pag-steamline ng mga administratibong serbisyo na gumagamit ng “My Number” identification card.
Ang ahensiya ay aayusin rin na mai-digitalize ang edukasyon, medical care at disaster prevention.
Si Digital Transformation Minister Hirai Takuya ang mamumuno sa nasabing organisasyon. Si Hitotsubashi University Professor Emeritus Ishikura naman ang mamamahala sa pang-araw araw na affairs.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation