Ang mga tao sa Estados Unidos ay inalala ang ika-20 anibersaryo ng 9/11 terrorist attacks.
Nuong September 11, 2001, ipinalipad at ipina-bangga ng mga hijacker ang 2 eroplano sa Twin Towers of the World Trade Center sa New York City. Mayroong ikatlong eroplano rin ang nag-crash sa Pentagon malapit sa Washington DC, at ika-apat na eroplano sa isang field sa Pennsylvania. Ang nasabing pag-atake ay nag-sanhi ng pagkamatay ng mahigit 2,977 katao.
Isang memorial ceremony ang isina-gawa sa New York bandang alas-8:30 ng umaga, local time sa site ng World Trade Center.
Dumalo sa seremonya ang mga mahal sa buhay ng mga biktima pati na rin sila President Joe Biden, ang First Lady, ang dating pangulo na si Barack Obama at Bill Clinton.
Ang mga participants ay nag-alay ng panalangin nang anim na beses sa mga lugar kung saan nag-crash ang mga eroplano.
Ang mga pangalan ng mga biktima ay binanggit rin isa-isa.
Ang mga pangalan ng mga nasawi ay naka-sulat sa mga parapets na naka-paligid sa dalawang memorial pools. Makikita na hinahawakan ng mga pamilyang naiwan ang mga pangalan ng mga pamilya nilang nasawi dahil sa trahedya. Sila ay nag-alay rin ng mga bulaklak bilang pag-alala.
Si Sugiyama Harumi, asawa ng isang Japanese na biktima, ay dumalo rin sa nasabing seremonya. Ang kanyang asawa na si Yoichi ay nag-tatrabaho sa isang opisina ng banko sa South Tower nang mangyari ang pag-atake.
Sinabi ni Sugiyama sa NHK na nadama niya talaga na 20 taon na ang nakalipas habang naka-tayo sa site. Sinabi niya na nagpapa-salamat siya sa kanyang asawa na alam niyang pinapatnubayan pa rin siya sa mga nagdaang panahon, at nararamdaman rin daw niya na pinupuri siya nito dahil nakayanan niya na mamuhay ng maayos kahit na wala na siya sa kanyang tabi.
Isang memorial ceremonies din ang isina-gawa sa Shanksville, Pennsylvania, kung saan lahat ng pasahero ng hinaijack na eroplano ay namatay, katulad din ng nangyari sa Pentagon, kung saan ang mga pasahero at Defense Department officials ay nasawi.
Tinanggal ng Estados Unidos ang lahat ng kanilang forces sa Afghanistan nuong August, 20 taon ang naka-lipas matapos mag-launch ng isang military campaign sanhi ng 9/11 attack. Ang withdrawal ay nag demonstrate ng pag-babago sa US strategy sa loob ng 20 taon “war against terrorism”.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation