Isang pagong ang naging sanhi ng pagkakaroon ng traffic sa isang paliparan

Sinabi ng Narita International Corporation na aalamin nila kung anong uri ng pagong ito upang malaman kung ito ba ay maaaring ilagay sa natural habitat.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang pagong ang naging sanhi ng pagkakaroon ng traffic sa isang paliparan

Ang pagong na natagpuan sa isang runway ng international airport sa Tokyo ay naging sanhi ng hindi pag-lipad ng ilang eroplano nuong Biyrnes. Isang eroplano ang naka-kita sa tarmac ng isang mukhang pagong.

Ang mga staff sa Narita Airport ang nag-sabi na isang piloto ang naka-kita ng pagong sa runway bandang alas-11:30 ng umaga. Isa sa air hub ng dalawang runway ay ipinasara ng 10 minuto.

Limang papa-alis na eroplano ay na-delay nang hanggang 15 minutos. Isa rito ay ang All Nippon Airways double-decker aircraft na patungo sa southern city ng Naha sa Okinawa Prefecture. Ang pagong na natagpuan ay may Hawaiian-style green sea turtle sa fuselage.

Ang pagong na nakuha ng mga airport staff. Ito ay may kulay na dark green, ito ay mayroong haba na 30 sentimetro at may bigat na tinatantiyang nasa kulang-kulang na 2 kilograms.

Ito ay maaaring nag-mula sa malapit na reservoir. Sinabi ng Narita International Corporation na aalamin nila kung anong uri ng pagong ito upang malaman kung ito ba ay maaaring ilagay sa natural habitat.

Sinabi ng isang source na malapit sa paliparan ay napaka-dalang na ang isang pagong ay mahuli sa isang runway at makapag-delay ng mga flights.

Isang cabin attendant na nakasakay nuon sa ANA aircraft ay nag-gulat sa nangyaring insidente at nag-sabi na ang mga pasahero at mga crew ay naka-lipad nang maayos sa kabila ng kanilang pagka-delay.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund