Ipinahayag ng Japan Health Ministry na may isang lalaki na nag-eedad sa kanyang 40s ang pumanaw matapos tumanggap ng bakuna ng Moderna coronavirus vaccine. Ang dose na ibinigay sa kanya ay kasali sa mga batches na ipina-recall ng ministeryo at pamahalaan ng Japan matapos matuklasan na ito ay may contamination.
Ang lalaki ay tumanggap ng bakuna nuong August 11 at namatay kinabukasan. Mayroon itong buckwheat allergy. Kasalukuyang ini-imbestigahan ng ministeryo ang sanhi ng pagka-matay nito.
Natuklasan ang mga foreign substance sa mga sealed vials ng Moderna vaccine sa mga innoculation venues sa buong Japan mula nuong kalagitnaan ng Agosto.
Ipinaliwanag ng Moderna sa health ministry nuong nakaraang linggo na ang nakitang stainless steel particles ay resulta ng pagkiskis sa pagitan ng metal sa production line, sanhi ng hindi maayos na set-up.
Ang ministeryo at distributor na Takeda Pharmaceutical ay ipina-babalik ang mahigit na 1.6 million doses na ipinamahagi sa mahigit 900 venues sa buong bansa.
Sinabi ng mga opisyal na ang dose na natanggap ng lalaki ay kabilang sa lot number na kung saan walang nakitang kontaminasyon. Ngunit ito ay ginawa sa parehong pabrika sa panahon na ginawa ang mga natuklasang may kontaminasyong vials.
Ini-imbestigahan rin ng ministeryo ang pag-panaw ng dalawa pang kalalakihan na nasa kanilang 30s na nakatanggap rin ng nasabing bakuna na gawa sa moderna. Ang kanilang natanggap na doses ay kabilang sa mga vials na mayroong parehong lot number tulad ng bagong kaso.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation