Isang Japanese Restaurant ang gumawa ng isang video nang ini-ihaw na meat sa loob ng isang sasakyan upang balaan ang mga tao tungkol sa heatstroke

Ipinapa-kita sa mga tao ang panganib na sanhi ng heatstroke.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang Japanese Restaurant ang gumawa ng isang video nang ini-ihaw na meat sa loob ng isang sasakyan upang balaan ang mga tao tungkol sa heatstroke

MAEBASHI- isang yakiniku barbecue restaurant sa east Japan ay gumamit ng YouTube video upang bigyang babala at ipakita ang maaaring isanhi ng isang heatstroke sa pamamagitan nang pag papakita ng kung paano maaaring tumaas ang temperatura sa loob ng sasakyan kapag tag-init, at sa taas nito ito ay sapat nang mag-ihaw ng isang laman ng beef.

Ang video na ginawa ng yakiniku restaurant na Horumon Shimata ay napanuod ng mahigit kalahating milyon mula nang ito ay ma-upload nuong August 15.  Ang nilalaman ng video ay kapag tumaas ang temperatura sa loob ng sasakyan sa panahon ng tag-init, ito ba ay maaaring makapag-luto ng beef? Sa experiment, isang hiniwang parte ng baka ay iniwan sa loob ng sasakyan sa Lungsod ng Maebashi sa isang araw na mayroong 35 kataas na temperatura. Ang temperatura sa loob ng meat ay nasa 31.5 Celsius, na patuloy ba tumataas hanggang 58 Celsius sa loob ng 4 at kalahating oras. Nag-kulay pink ang loob nito at brown naman sa labas.

Nuong buwan ng July, sa southwest Japan sa Lungsod ng Fukuoka. Isang batang pumapasok sa isang day care ay naiwan umano sa loob ng isang bus at pumanaw. Ipinaliwanag ni Hiroki Shimada na ang layunin sa pag-gawa ng video ay: “Marami nang paulit-ulit na insidente na pumanaw ang mga batang biktima dahil sa ang mga ito ay naiwan sa loob ng sasakyan. Napag alaman ko na dapat na iparating sa mga tao ang impormasyon na ito sa pamamagitan ng pag-kuha ng video. Iniisip ko bilang isang nag-titinda ng meat, maaari nating igilan na mangyari muli ang insidente.”

Upang maiwasan ang mag-sayang ng pagkain, kinain rin ni Shimada ang pinag-eksperimentohang meat. “Ini-luto ko ito habang ipinapa-kita sa mga tao ang panganib na sanhi ng heatstroke. Sinabi ko din sa video na huwag gayahin ang aking ginawa.”

(Japanese original by Tetsuya Shoji, Shibukawa Resident Bureau)

 

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund