Isang babae ang humarap sa paglilitis dahil sa pag-libing sa kanyang bagong silang na anak sa isang parke sa Tokyo

Pinaniniwalaan na buhay pa ang saggol nang ito ay ipinanganak, may natagpuan ring mga tissue sa loob ng lalamunan ng bata.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

Ang 23 anyos na babae na hinuli at inaresto dahil sa suspisyong pag-patay at pag-libing sa kanyang bagong silang na anak na babae sa isang parke sa Tokyo nuong Nobyembre ng 2019 ay sumabak na sa pag-sisiyasat nuong Lunes.

Ayon sa indictments na binasa ng malakas sa harap ng hukuman ng Tokyo District Court, si Sayuri Kitai na ipinanganak ang kanyang sanggol sa isang palikuran sa Tokyo Haneda Airport nuong November 3, 2019. Agad na dinala ng suspek ang labi ng sanggol sa Italy Park 500 metro ang layo mula sa JR Hamamatsucho Station kung saan niya ito inilibing.

Ang labi ay natagpuang naka-libing ng bahagya bandang alas 10:45 ng umaga nuong ika-8 ng Nobyembre nang isnag namamasyal sa parke, nakitq nito ang mukha at braso ng sanggol na bahagyang naka aangat sa pinag-libingan.

Sinabi ng mga Prosekyutor na si Kitai, na isang empleyedado sa isang kumpanya sa Kobe, ay kinasuhan ng murder dahil pinaniniwalaan na buhay pa ang saggol nang ito ay ipinanganak, may natagpuan ring mga tissue sa loob ng lalamunan ng bata.

Si Kitai ay kaka-kumpleto lamang ng 4 na taong pag-aaral sa kolegio. Sumakay siya sa eroplano sa Tokyo nang gabi ng November 3, para sa isang job interview. Matapos lisanin ang Haneda Airport, siya ay nag taxi patungo sa parke, kung saan nakuhanan ang kanyang bawat galaw ng isang surveillance camera. Makikita na ang suspek ay may dala-dalang paper bag.

Sinabi ng lawyer ni Kitai na siya ay umamin sa kaso laban sa kanya ngunit siya ay nagpanick matapos manganak dahil wala naman siyang pinag-sabihan tungkol sa kanyang pag-bubuntis. Sinabi ng lawyer ni Kitai na nag-blanko ang isip nito matapos siyang manganak sa palikuran.

Source: Japan

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund