Ang US pharmaceutical firm Pfizer at German partner na BioNTech ay inanunsiyo na ang kanilang coronavirus vaccine ay mayroong malakas na immune response sa kabataan. Sinabi nila na napatunayan mula sa pag-susuri na ang mga doses ay ligtas na magamit ng mga bata na mula 5 anyos.
Ang trial na nag-involve ng mahigit 2,200 na kabataan, na nag-eedad ng 5 hanggang 11 anyos. Sila ay binigyan ng tig-iisang dose ng bakuna at ikalawang bakuna makaraan ang tatlong linggo. Marami ang naka-tanggap ng halos tqtlong bahagi ng amount na natanggap ng mga adult.
Ang resulta ay nagpapa-kita ng immune response at side effect na similar sa mga nakikita sa mga matatanda. Plano ng firm na i-apply sa regulators ang awtorisasyon upang magamit ang bakuna sa mga bata.
Ang mga public health experts ay mag-sabi na ang mga kabataan ay mayroong low risk na mag-develope ng malubhang sintomas mula sa coronavirus. Ngunit nitong panimula ng buwan, mahigit 240,000 kabataan sa buong Estados Unidos ay nahawaan ng impeksyon sa loob lamang ng isang linggo, isa sa pinaka-mataas na tala sa isang linggo. Ang Delta variant ay patuloy na dindala ang mga ito sa ospital.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation