Planong i-require ni US President Joe Biden ang mga banyagang manlalakbay na dapat ang mga ito ay kumpleto sa bakuna laban sa coronavirus bago ito makapasok sa United States.
Ang Biden administration ay inanunsiyo ang kanilang plano nitong Lunes.
Sa ilalim ng bagong polisiya, na mag-sisimula sa panimula ng Nobyembre, ang mga adult foreign nationals na lilipad papunta sa US ay kinakailangan maging fully vaccinated at makakapag-pakita ng proof of vaccination bago sumakay ng eroplano. Kinakailangan rin na sila ay mag-negatibo sa coronavirus test sa loob ng tatlong araw bago ang flight.
Tungkol naman sa mga vaccine products na hindi authorized na gamitin sa US, nag-sabi ang administration na ang Centers for Disease Control and Prevention o CDC, ang mag-dedetermina kung anong bakuna ang tatanggapin sa bagong polisiya.
Ipinag-bawal ng US ang pag-pasok nang mga foreigners na nagpunta sa mga sumusunod kabilang ang ilang mga nasyon sa Europe, China at India sa loob ng 14 days. Ngunit sila ay makaka-pasok rin sa US kapag sila ay fully vaccinated na.
Ang US travel restrictions ay hindi masyadong istrikto para sa mga manlalakbay na nag-mula sa bansang Japan, na nag-rerequire lamang ng proof of negative test. Ngunit sa bagong polisiya, kinakailangan na ang mga ito ay fully vaccinated na rin.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation