Inaresto ng pulisya ng Tokyo ang dalawang lalaki dahil sa kanilang diumano’y pagkakasangkot sa paggawa at pagbebenta ng mga pekeng artwork ng mga sikat na Japanese painter.
Kasama sa kanilang mga forgeries ang mga gawa ni Higashiyama Kaii, isang pangunahing postwar artist sa Japan.
Ang mga suspect ay ang 53-taong-gulang na si Kato Yuzo, na nagpatakbo ng isang art gallery sa Osaka City, at ang 67-taong-gulang na si Kitabata Masashi, na nagmamay-ari ng isang print factory sa lungsod ng Yamatokoriyama, Nara Prefecture. Inaresto sila ng pulisya noong Lunes dahil sa hinalang mga paglabag sa copyright law.
Ayon sa pagsisiyasat ng isang samahan ng mga art business collectors ay natuklasan ang pekeng mga kopya ng 10 likha ni Higashiyama at dalawang iba pang pintor ng Japan na sina Hirayama Ikuo at Kataoka Tamako.
Sinabi ng asosasyon na ang mga fakes ay ipinagbili sa mga department store sa Tokyo at Osaka sa nakaraang maraming taon.
Hinala ng pulisya ng Tokyo na ang dalawang lalaki ay kasangkot sa paggawa at pagbebenta ng pekeng mga kopya ng isang akdang pinamagatang Kusa-aomu ni Higashiyama, bukod sa iba pa.
Sinabi ng isang samahan ng mga art appraiser sa Tokyo na hindi bababa sa 120 na mga kopya ang isinumite ng kanilang may-ari para ipa-imbestiga kung peke ng ang nabili nilang artwork.
Join the Conversation