TOKYO
Ang matapang na cabinet minister ng Japan na namamahala sa vaccination na, si Taro Kono, ay ang pinaka-paboritong manalo bilang susunod na Prime minister, ayon sa mga opinion ng poll na inilabas noong Lunes, bilang mga potensyal na kandidato upang palitan ang papalabas na Punong Ministro na si Yoshihide Suga.
Si Kono, 58, ay nagtapos sa Georgetown University at magaling mag English, na bihira sa mga politiko ng Japan. Marami siyang tagahanga sa mga nakababatang tao, na nakikipag-usap siya sa pamamagitan ng social media. Nagsilbi din siya bilang mga minister of foreign affairs at Defense minister.
Ang biglaang anunsyo ni Suga noong Biyernes na hindi na siya muling tatakbo bilang pinuno ng namamahala sa Liberal Democratic Party sa Setyembre 29 ang nagbukas ng daan para sa isang hanay ng mga kandidato.
Join the Conversation