Bagyong Chanthu paparating na sa Okinawa

Habang patuloy na pumapalibot ang mga ulap, aasahan na magkakaranas ng malakas na pag-ulan na may kasamang kulog at kidlat.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspBagyong Chanthu paparating na sa Okinawa

Papasok na ang bagyong si Chanthu sa rehiyon ng Yaeyama sa Prepektura ng Okinawa, southwestern ng Japan.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, ang bagyo ay pausad patungong norte mahigit 20 kilometro kada oras nitong alas-7:00 ng umaga nitong Linggo, Japan time.

Ito ay may central atmospheric pressure ng 935 hectopascals, at central winds na mayroong 180 kilometers per hour, na may kasamang gusts na aabot sa 252 kilometers per hour.

Ang bagyo ay patuloy na umaandar patungong norte at papasok sa Sakishima Island chain sa Prepektura ng Osaka ngayong Linggo ng hapon hanggang gabi habang pinapanatili ang kanyang lakas.

Ang ahensiya ay pinapayuhan ang mga tao sa rehiyon na maging alerto sa malalakas na hangin dala ng bagyo.

Ipinahayag na maaaring mag-dala ng malalakas na hangin ang bagyo na may lakas na aabot ng 162 kilometers per hour sq Yaeyama region, kabilang ang mga isla ng Yonaguni at Ishigaki, matapos mag-daan ang kinahapunan nang Linggo. Ang maximum gusts ay inaasahang umabot ng 234 kilometers per hour.

Pinapayuhan ng ahensiya ang mga tao sa rehiyon na mag-evacuate sa mga matitibay na gusali bago pa man magkaroon ng malalakas na hangin, iwasan rin pumuwesto sa mga bintana at manatili lamang sa loob ng tahanan o gusali.

Sinabi rin na nuong nakaraang may ganitong kalakas na bagyo, naitumba ng malalakas na hangin ang mga utility poles at concrete block walls at naitumba rin sa gilid.

Makikita na rin ang bagsik ng mga alon sa karagatan at tinatantiyang aabot ng 10 meter bago sumapit ang hapon.

Ang mga ulap na gawa ng bagyo ay nag-sisimula nang pumalibot sa lugar, na siyang nag-sasanhi ng patuloy na pag-ulan sa lugar.  Habang patuloy na pumapalibot ang mga ulap, aasahan na magkakaranas ng malakas na pag-ulan na may kasamang kulog at kidlat.

Sa susunod na 24 oras hanggang Lunes ng umaga, aasahan na may mahigit 180 millimeters ng ulan ang babagsak sa rehiyon ng Yaeyama.

Isang babala sa posibleng pagkakaroon ng kidlat at malalakas na hangin ang ipinapahayag ng pamahalaan sa nasabing rehiyon.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund