5 taong gulang na babae patay, matapos masagasaan ng sasakyan sa Yokohama

Sinabi ng mga pulis na si Shitate, na nag-mamaneho ng isang rental car ay "sandaling inalis ang paningin sa kalsada" bago nabangga ang batang babae.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Japan ambulance

–  Isang limang taong gulang na batang babae ang pumanaw matapos mabangga ng isang kotse habang ito ay tumatawid sa isang kalsada sa Yokohama nuong Linggo, ayon sa mga pulis, idinagdag pa nito na inaresto na nila ang 21 anyos na driver nang nakabanggang sasakyan.

Ayon sa mga pulis, ang insidente ay nangyari bandang ala-12:30 ng gabi, si Riria Otani, isang residente ng Naka Ward ay nabangga sa isang two-way lane road, mula sa Sankei Shimbun. Kasama niya ang kanyang ina na hindi naman napisala sa nangyaring insidente. Si Riria ay nag-tamo ng pinsala sa ulo at pumanaw sa ospital pagkalipas ng 90 minutos.

Ayon sa pulis, ang driver na si Takumi Shitate, isang company employee mula sa Chofu City sa Tokyo, ay nakasuhan ng dangerous driving resulting to death.

Maganda ang visibility nuong oras na mangyari ang aksidente. Sinabi ng mga pulis na si Shitate, na nag-mamaneho ng isang rental car ay “sandaling inalis ang paningin sa kalsada” bago nabangga ang batang babae.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund